Jump to content

A Love Never Ending

Rate this topic


Achizen
 Share

Recommended Posts

Minsan may isang lalakeng ngalan ay "Achizen" ay umibig sa babaeng nakapakaganda na ngalan ay "Miyaka" at isa sa pinakakilalang babae sa eskwelahan nila gustong gusto nya si "Miyaka" pero may takot na bumabalot sa isip nya na baka hindi lang siya pansinin ni "Miyaka" pero di siya nagpadaig sa takot sinubukan niya na sulatan si "Miyaka" pero hinde maganda ang kanyang sulat kaya pinasulat niya ito sa kanyang kaklase na sekretarya nila noon sa klasrum nila sa takot din nya ay hinde niya maibigay kaya ipinaabot niya ito sa kanyang kaibigan na nanliligaw din dun sa kaibigan ng gusto niya kaya ang sulat ay nakarating sa babae nung matanggap ng babae ang sulat agad niya itinanong kung knino galing ang sulat nung sinabi ng nagabot ng sulat kung sino bigla niya itong tinapon sa basurahan ng nalaman ito ni "Achizen" na agad itong kinalungkot unang pagkakataon noon na umiibig si "Achizen" pero hinde ata umayon sa gusto niya ang pagkakataon na iyon pero kahit na ganun ang ginawa ni "Miyaka" walang galit na nabuo sa isip niya at ang pagmamahal niya kay "Miyaka" ay ganun padin pinilit niya alisin si "Miyaka" sa puso't isip niya pero hinde ito maalis sa isipan niya kahit anong gawin niya ang gusto ng isip nya ay si "Miyaka" kaya itinago nalang niya ang kanyang nararamdaman hanggang sa nakikita niya na madame ng nanliligaw kay "Miyaka" pero di ito naging hadlang sa kanya para gustuhin nya ito malapit na ang x-mas party naisip nya na magbigay ng regalo kay "Miyaka" pumunta siya sa bayan para bumili ng maireregalo at nakakita na xa ng maireregalo na isang maliit na manikang oso na nakaplastik gabi na nung nakauwi siya pero di siya nagpadaig sa kaantukan pinilit nyang gisingin ang sarili nya para lang ibalot ang regalo niya para kay "Miyaka" pagkatapos niya itong ibalot nagdasal siya na sana sa pagkakataon na ibigay niya ang regalo ay hinde na ito itapon sa basurahan at natulog na c "Achizen" maagang siyang gumising para maghanda ng magarang damit na kanyang maisuot at nagpa gwapo bago siya umalis ng bahay ay napintasan pa siya ng kanyang tyuhin na alaskador talaga at nang makaalis na siya ng bahay at makarating sa kanilang eskwelahan agad nyang kinausap ang kanyang kaklase para iabot ang regalo pumayag nman ang kanyang kaklase at inabot nga ito kay "Miyaka" at tinanggap nman nya ito na agad ikinatuwa ni "Achizen" nde na siya naghabol pa ng kung anong sasabihin ni "Miyaka" masaya na siya na tinanggap ito ng dalaga. Lumipas ang isang taon ikalawang taon na nila sa high school ganon padin c "Achizen" gusto niya padin ang dalaga dumating din ang x-mas party at binigyan nya ulit ito ng regalo tinanggap nmin ulit ito ng dalaga na ikinasaya naman niya. Lumipas nanaman ang isang taon at ikatlong taon na nila sa high school malapit nanaman ang x-mas party kaya napapaisip nanaman si "Achizen" ng ireregalo nya sa dalaga ang dameng pumapasok sa isip niyang ibigay pero ang baon na naipon niya kung ibibigay niya lahat ay hinde sapat kea bumili nlng siya ng teddy bear na naka lata laking gulat niya nung pinaabot niya ito sa kanyang barkada ang may isang lalakeng may bitbit na regalo na teddy bear din na mas malake at mas mahal kesa sa kanyang ipinaabot pero tinanggap din nman ito ng at naging masaya nanaman c "Achizen" matatapos na nung ang x-mas party balak sana kausapin ni "Achizen" si "Miyaka" pero laking gulat niya ng makita niya na yung nagabot ng regalo na lalake ay nandun ulit at kausap si "Miyaka" nakita niya na napatingin si "Miyaka" sa kanya kaya agad na siyang bumaba para lumabas sa sobrang lungkot niya ang tumambay muna siya para manigarilyo mga sampung minuto ang nakakaraan naisip niya na umuwi na laking gulat nanaman niya ng makita niya na ihahatid nung lalake c "Miyaka" tumakbo siya habang tumutulo ang luha sa kanyang mga mata at hindi agad umuwi sa kanilang bahay. habang naglalakad siya ay tumutulo ang luha sa kanyang mga mata agad niya nilapitan ang kanyang kaibigan para humigi ng payo lalo siya nalungkot sa sinabi ng kaibigan niya na "Tol wala kang karapatan umiyak at magselos kase hinde siya sayo" na nung una hindi niya maintindihan kung bakit pati ang kaibigan nasabi yun. lumipas ang dalawang linggo umiwas na c echizen sa pagtingin kay "Miyaka" at ilang linggo lang ang nakakaraan nabalitaan niya na ung lalake at si "Miyaka" ay magkarelasyon na. napayuko si "Achizen" at hinde nagpakita ng luha sa kanyang mga kaibigan bukod sa isa niyang kaibigan na nakakaintindi sa kanya agad niya itong pinuntahan at hinigan ng payo kung ano ba ang dapat niyang gawin nagulat siya sa pinagtugtog nung kaibigan niya na kanta at pinarinig sa kanya at hininto sa parte na dapat daw niya gawin "IF YOU REALLY LOVE HER YOU GOT TO SET HER FREE" tinanggap niya na ang kanyang tadhana hinayaan niya na lumigaya c "Miyaka" pero kahit na may mahal na ito ay mahal padin niya ito at habang tumatagal ay mas lalo niya itong minamahal hanggang sa mag fourth year na sila at doon ay inabangan ni "Achizen" ang JS Prom para maisayaw at makausap niya si "Miyaka" ng unang beses at dumating na nga ang araw ng JS Prom nagpagwapo si "Achizen" at nagpakapormal para lang pag isinayaw niya si "Miyaka" ay di siya ikahiya nito at nagsimula na ang programa hanggang sa patayin na ang ilaw dahil magsasayawan na napaka romantic ng mga tugtog kaya halos ganun nlng ang tuwa ni "Achizen" na maisayaw nya ito kahit isang kanta lamang nag-aalangan pa siya nung una pero pinilit din ng kanyang mga barkada kaya nilapitan niya na si "Miyaka" di na siya nagulat sa isinagot ni "Miyaka" na hinde ito pwedeng makipagsayaw dahil magagalit ang boyfriend nito na andoon lang sa labas kaya ngiti nlng ang isinagot ni "Achizen" kay miyaka sabay sambit na "Sige babalik na ako sa upuan ko ha" hindi nagpahalata ng lungkot si "Achizen" dahil ayaw niya na mapilitan lamang si "Miyaka" na isayaw siya naging malungkot ang gabing yun para kay "Achizen" pero di niya ito pinahalata sa lahat nagkunwari siyang walang nangyari at nag-eenjoy siya. ilang buwan ang lumipas nag graduate na sila at papasok lahat sa mga kanya kanyang gustong pasukang kolehiyo. hindi padin nawala c "Miyaka" sa isip ni "Achizen" at isang araw binalita sa kanya ng kaibigan niya na niloko daw ito ng boyfriend niya na ikinagalit ni "Achizen" pero wala siyang magawa dahil ni minsan nde nya nakausap c "Miyaka" ng nagtagal ng 5 minutes may isa siyang kaibagan na nagmagandang loob para pag lapitin silang dalawa naging maayos nga ang lahat nagkakilala silang dalawa hanggang sa maging close pati sa pagbyahe ay nagsasabay na sila miske sa paguwi hanggang dumating ang panahon na ipagtapat ni "Achizen" na mahal niya si "Miyaka" na hindi pa handang magmahal nung mga panahon na yon dahil kakatapos lang masaktan at pagod pa sa mga nangyari. ilang araw ang lumipas unti unting lumayo si "Miyaka" sa kanya na napansin niya naman kaya ang dating masayang mukha ay napalitan nanaman ng lungkot at luha. kaya naisip niya na tumira muna sa ibang lugar para lang mailayo ang isip niya kay "Miyaka" ngunit hindi ito naging madali kahit nakahanap siya ng ibang babae na dapat niyang mahalin ay hindi nya magawa dahil ang mahal niya ay si "Miyaka" kaya hindi naging madali sa kanya para makipagrelasyon ng matagal para sa ibang babae. at si "Miyaka" ay hindi na nagparamdam sa kanya ni minsan hanggang sa ngayon na nagsusulat si "Achizen" ng kwentong ito ay malayu na ang loob sa kanya ni "Miyaka" pero hanggang sa ngayon ay mahal na mahal niya padin si "Miyaka"........sad ending...

Link to comment
Share on other sites

  • Root Admin
ang dating masayang mukha ay napalitan nanaman ng lungkot at luha. kaya naisip niya na tumira muna sa ibang lugar para lang mailayo ang isip niya kay "Miyaka" ngunit hindi ito naging madali kahit nakahanap siya ng ibang babae na dapat niyang mahalin ay hindi nya magawa dahil ang mahal niya ay si "Miyaka" kaya hindi naging madali sa kanya para makipagrelasyon ng matagal para sa ibang babae. at si "Miyaka" ay hindi na nagparamdam sa kanya ni minsan hanggang sa ngayon na nagsusulat si "Achizen" ng kwentong ito ay malayu na ang loob sa kanya ni "Miyaka" pero hanggang sa ngayon ay mahal na mahal niya padin si "Miyaka"........sad ending...

Hay naku! Kakalungkot talaga itong kuwento! :(:blink:

Pero, ganyan talaga ang pagmamahal... mas lalo kapag bata pa sila... :rolleyes:

Pero, (ulit!) Sana, pagdating ng panahon, meron na isang happy ending n'ito!! :wub::give_rose::D

VicRolfe.com

 

Itaas Mo! (Cheers!)

Kahit Kailan, Kaibigan!! (Friends Forever!!)

smb - Walang Katulad!!! (San Miguel Beer - There is nothing like it!!!)

Link to comment
Share on other sites

Happy ending nadin to para sakin na may nakikinig at nagbabasa ng mga kwentong isinusulat ko...napakadame ko pang kwentong naiisip na pedeng mangyari or nangyayari na sa present.. kaya sir maraming salamat po sa pagiging interesado sa mga kwento ko...

Link to comment
Share on other sites

Create an account or sign in to comment

You need to be a member in order to leave a comment

Create an account

Sign up for a new account in our community. It's easy!

Register a new account

Sign in

Already have an account? Sign in here.

Sign In Now
 Share

×
×
  • Create New...

Important Information

Please check-out the website usage terms at: Pages -> Terms of Service and Use